putangina mo ([info]tulfo) wrote,
@ 2003-07-07 11:18:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Current mood:pagod

Walang kwentang trapik and do you know where your taxes go?
While driving from Rockwell last Saturday na-traffic ako sa Kalayaan going towards Makati Avenue. Puta di lang pala nagbibigayan yang mga Konyoliting Tumbong na gumigimik dyan sa Makati Ave. Pero sinubukan kong wag uminit ang ulo ko at pinakinggan ko nalang yung CD na bigay saken ng gelpren ko. Beyonce. Ok lang siya. Mas gusto ko siya kesa kay J. Lo.

Gusto ko sana mag-yosi kaso di na pala pwedeng manigarilyo sa Makati kaya pasensya na lang. Pagdating ko sa conrner ng Kalayaan at Makati Ave. yung Civic sa harapan ko ayaw dumiretso. Naknang puta anghina dumiskarte. Isa nanamang Tinedyer na mukang nakikipagusap sa kanyang cellphone. "Hoy putangina ka! di mo ba nababasa ang Nokia Phonetics?!"

Binusinahan ko siya at muka namang natauhan. Dumiretso din. Kaso eto namang Corolla na galing Buendia kita na ngang pasok na ako eh gusto pa rin umabante. Muntik nang sumabit yung pwet ng auto ko sa hood nya. Tanginang yan! Tumigil ako sa kalagitnaan ng Makati Avenue at tinignan ko siya ng masama.

Di ko na binaba yung bintana ko para murahin siya kasi napansin ko may bata sa loob ng auto nya. Sinenyasahan ko nalang siya na umatras. Salamat at umatras siya.

May nakilala akong isang Engineer nung nag-inuman kami ng mga kaibigan ko at kinuwento nya sa akin kung paano nangyayari ang mga korupsyon dyan sa mga kontrata ng DPWH. Nakakadepress lalo na sa mga taong tulad ko na nagbabayad ng buwis taon taon. Naintindihan ko na rin yung sinulat ni Boo Chanco dati kung bakit tinanggal si BF sa DPWH. Badtrip mga pare at mare!!! Pera ng taong bayan napupunta lang sa mga tiwaling pulitiko. Ngayon may gana ka pa bang magbayad ng buwis?

Hay naku isang Weekend na punong puno ng bangayan awayan at pintasan. Eto lang masasabi ko, huwag nang pakialaman ang LJ ng may LJ. May natutunan ako habang pinapanood ko si Jinggoy batukan si Richard. Eto na mismo and situation ng bansa natin on a micro level. Huwag nang makialam kung wala namang kabutihang madudulot yun.

Madugo din pala ang buhay sa LJ.




(2 comments) - (Post a new comment)

putangina
(Anonymous)
2003-12-09 12:11 pm UTC (link)
putangina mo ang ganda ng website mo grabe pagkabasa palang namin ay natatawa na kami lalo na nung lumalim na nakakatawa talaga salamat gracias thank u!! sana maglagay ka pa tangina!!!san ka ba dyan sa filipinas sa manila ka ba!!actually nandto ako sa spain medyo asenso nga eh!!dto na me mag aaral hehe!!!cge ito nalang ang masasabi ko sayo ha sana malaman ko man lang ung name mo ok!!Vale!!allright!!!

(Reply to this) (Thread)

puta madre mierda espanyol yun di ba?
[info]tulfo
2003-12-11 11:15 am UTC (link)
haba ng sinabi mo putangina mo rin!!!

(Reply to this) (Parent)


(2 comments) - (Post a new comment)

Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…